October 5, 2020
Pangalawang magulang ang turing namin sa inyo
Kayo ang nagpapayabong ng kabutihang-asal at angking talino
Hindi alintana ang hapo sa maghapong pagtuturo
Maipagkaloob lamang ang leksyong mas may turing pa sa ginto
Walang mahuhusay na mga inhinyero, doctor at gumagawa ng magandang disenyo
Maging mga abogado, nars at nagpapalipad ng eroplano
Kung wala ang mga gurong katulad ninyo
Na nagsusunog ng kilay upang mag-aaral ay matuto
Nagsasakripisyo upang mahusay na edukasyon
Ay matamo ng bawat estudyanteng may ambisyon
Ginagawa ang lahat matupad lamang ang misyon
Na sa hinaharap, mag-aaral ninyo’y may kanya kanya nang propesyon
Ngayong panahon ng mapaminsalang pandemya
Higpitan ang kapit at buong pusong magtiwala sa Maylikha
Taglayin itong munting baluti bilang aking pag-alaala
Sa mga gurong makikisig, matatalino at magaganda
Kaya sa lahat ng gurong nasa apat na sulok ng silid na ito
Sa inyong dedikasyon sa pagtuturo, ako ay saludo
Hayaang ipahayag ang pasasalamat at malugod na pagbati ko
Maligayang araw ng mga guro mula sa KUYA FERDIE n’yo!
HAPPY WORLD TEACHERS’ DAY!!!
FERDINAND S. CENDAÑA
Kawani ng AICS
Magulang ng G7 mag-aaral ng AICS
Ika-5 ng Oktubre 2020